“Pasko nanaman o kay tulin ng araw,
Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan…”
Kahit hindi ko alam kasunod ng kanta na yan makahulugan parin sa akin yan lalo na ngayon may sarili na akong pamilya at malayo sa ibang mga kamag-anak… Maraming akong mga treasured memories lalo na pag pasko….
Pangatlong pasko ko na rito sa Saipan… Naaalala ko pa nung nasa Va. ako at tumatawag dito sa Saipan sinasabi palagi ng tall little brother RJ ko na sana raw ay magkakasama kami sa pasko at makasama raw nya ang cute, maganda, mabait na little ate nya, natupad naman yun nung
2006 kaya lang yun narin ang naging huli dahil bago magtapos ang taon na yun sila naman ang nagpunta sa States… Naalala ko lang ang aking malambing, patawa na medyo sigang bunsong kapatid lalo na at sya ang palaging nagpapatawa sa akin at nakakatalo sa akin sa kilitian lalo na nung huli kaming magkita na hamak na mas matangkad na sya sa akin…
Ito ang huling picture naming apat na magkakapatid nung kami’y magkakasama pa… Ngayon sana’y maging masaya ang pasko ng tatlo kong kapatid at ang aming magulang….
Syempre masaya rin ang white Christmas… ang pasko na may snow basta lang hindi ka magddrive sa snowy road at ang makasama ang mga kamag-anak sa states – new tradition, new experience, new food syempre masaya at memorable yun… pero wala paring katumbas ang mga paskong nagdaan nung kami ay nasa pinas pa… Isa sa mga masasayang alaala ko ay nung mga bata pa kami nung nabubuhay pa ang aming lolo na ngayon ay nasa heaven na. Palagi nyang iniimbita ang buong kamaganak (mga pinsan ng pinsan ng pinsan namin at mga tito at tita naming hindi namin gaanong kilala). Madaling araw palang ng bisperas ng pasko ay abala na lahat ng aming mga tito/tita at lolo/lola para magluto sa mga super dooper laking lutuan – may pumapatay ng baboy, pumapatay ng manok, naghahalo ng ube, gumagawa ng leche plan at nagluluto ng iba ibang mga putahe… Kami namang mga bata ay abalang manggulo at makiusyoso sa mga abala naming mga kamag-anak… syempre abala rin kaming manghingi ng regalo syempre masaya ang nagbabahay bahay sa mga ninong at ninang, lolo at lola at lahat ng kamag-anak para manghingi ng regalo at kadalasan ay nakakatanggap kami ng mga malulutong pang mga pera fresh from the oven ay bank pala… masaya rin yung may ninong kang may ari ng grocery stores dahil nakakapili ng regalo na kahit anong gusto… nasan na kaya sya ngayon at makapunta nga ulit… syempre ang pinakahihintay namin ay ang pagsapit na ng 11 to 12pm dahil nagsisimula na ang mga kasiyahan – kadalasan ay may umaakyat na isa sa mga tito namin sa bubong ng bahay at maghahagis ng mga barya na pupulutin namin, ang pagspray ng mga bottled softdrinks sa isa’t isa at syempre ang mga palaro kagaya ng kantahan, sayawan, patintero at kung ano ano pa na may mga premyo pag nanalo… Ngayong malalaki na kami at wala na ang aming lolo hindi na natuloy ang kanyang pinasimulang salo salo ng buong pamilya kahit na may kanya kanya ng sariling pamilya – yun ang nakakamiss sa pasko sa pinas….
Lolo, salamat sa masayang alalala na yun lolo at sa lahat ng alaalang iniwan mo mahal na mahal ka nming mga apo mo at alam ko namang masaya ka na sa heaven ngayon.
Saan man ako naroroon iba talaga ang pasko pag kasama ang mga mahal sa buhay… Malayo man ako sa aking mga kapatid at magulang, lubos akong nagpapasalamat at naliligayahan dahil magkakasama kami ng aking munting pamilya sa aming munting tahanan. Ito rin ang unang pasko ni baby Pauline kaya lubos kaming masaya…
Syempre pa masaya ako sa pagdiwang ng totoong spirit of Christmas na nalalaad sa Bible – ang pagala-ala, pagpugay at pasasalamat sa kapanganakan ng ating Panginoon at taga Pagligtas.
Maligayang pasko sa inyong lahat!



Ang sarap tagalang sariwain ng mga masasayang ala-ala ng pasko lalo na nung tayo’y maliliit pa ano? Damang dama ko ito sa iyong mga kuwento.
Nagpapasalamt ako sa Diyos sa biyaya ng mga bagong kaibigan tulad mo Rache. Nawa’y yumabong pa hindi lamang sa blogosperyo ang ating makahulugang pagkakaibigan.
Maligayang Pasko sa iyo at sa iyong pamilya. Pagpalain nawa kayo ni Hesus!
maraming salamat sa message mo rev. touched talaga ko… pasensya na at super delay ng reply ko… God Bless you too..
-
rache: sinabi mo pa! masaya lang talaga ang pasko sa pinas