Buhay sa Saipan

6 12 2008

saipan“Nasaan ba ang Saipan?  Saang Kontinente yun? Property rin pala yun ng Amerika? USA din yun?  Bakit wala sa mapa? Yan ang ilan sa mga nakukuha kong tanong pag sinasabi kong nasa Saipan ako ngayon… kahit kapag may kausap akong customer service sa telepono at my amerikano akong kausap at sinasabing hindi nila alam na US property ang Saipan… hahahaha… actually para syang property ng pilipinas lalo na at napakaraming pilipino rito ngayon…  Ang Saipan po ay ang pinakamalaki sa Northern Mariana Islands, parang tuldok lang sa mapa sa gawing kanan ng Pilipinas (Luzon).  Isa po itong US property – parang Hawaii o Guam yun lang hindi pa recognized ng karamihan..

Una kong nagpunta rito ng 1999 at umalis ng 2000 naabutan ko pa ang time na super ganda ng economy ng island pero simula ng makabalik ako rito ng December 11, 2006 (wow tagal ko na palang nandito mag-tatlong taon na…) nakita ko na na malaki na ang ikinababa ng economy ng island, isa nga sa kaibigan ko na dati ring nandito ang nagsabi na para na raw ghost town ang Saipan. From hide0708

Totoo naman ramdam na ramdam namin yun nung 2007 pero napakabuti ni Lord kasi biniyayaan kami ng asawa ko ng magandang trabaho rito plus and aming baby kaya sa ngayon hindi naman na gaanong pansin yun dahil narin siguro abala sa dami ng ginagaw pero kapag my gusto kaming puntahan ng pamilya ko, like mall don na nararamdaman kung gano ka-isolated ang lugar na ito dahil wala pong mall dito… marami sa mga estudyante ko ang hindi pa alam kung ano ang mall…  Pero pwede naman kaming pumunta ng Guam para magmall, 30 minutes away lang naman yun by airplane.

Hindi naman ganon kapangit itong Saipan, marami paring mga advantage ng pagstay rito. Pinakamagandang reason na siguro yung fact na ang life ay umiikot nalang sa pagttrabaho at pagbabayad ng bills – marami paring time to relax and unwind….. maglakad lakad sa beach at manood ng sunset with love ones…kino-convince ko lang sarili ko kung bakit dapat pa kaming magtagal dito….. .. Mga susunod na blog entry ko ay maraming patungkol sa Saipan — kasagutan sa mga dati kong kaklase, kaibigan at mga mambabasa kung ano nga ba nasa Saipan —- mga attraction at kainan at kung ano ano pa….  Isa pang magandang dahilan ay 3 hours away lang naman ang Saipan sa pinas kaya kapag pwede na ay anytime na gusto namin umuwi ay makakauwi kami.

jollibee

Naalala ko pa na first stop ko ito nung una kong nakarating ng Saipan – ang Jollibee… Unang kinain ang palabok fiesta!  sunod ang chicken joy manok at apalabokng burger steak… yum yum….. kakamiss kasi 4 years ko rin ndi nakakain sa Jollibee non wala kasi sa Richmond, Virginia (unless hindi ko lang alam ang location ng Jollibee dun) pero nung nagpunta ko sa California one time ay nakita ko naman yung Jollibee kaya lang hindi naman kami kumain dun ng kamaganak ko…


Actions

Information

4 responses

6 12 2008
TeenToinks

May employer kami dati sa work ko na taga Saipan… US territory nga daw ang Saipan, mga Filipino ginawang entry point (easy access) ang Saipan para makakuha daw ng Green Card (DAW) but newei… mas peaceful daw ang Saipan kesa sa America kasi super HECTIC ang sched sa america lahat daw ng tao parang nag mamadali lagi. Ang laki ng difference nila kahit US din ang Saipan..

Pansin ko lang iba ang accent nila jan.. hindi sila yung usual na English accent. Ewan ko lang kung yung employer lang namin yun. hehehe

-
rache: naku totoo yun dito ang stop ng mga pilipino to get GC at baka sakali next year ay makuha na nila yun by next year pag nagtake over na dito ang American government/immigration. Kaya nga dito first stop namin ni mister e kasi dito sya mabilis makapasok ;) Mas peaceful nga dito compared sa stets – walang traffic, maraming leisure time, mas mura bilihin at walang tax kaya nga marami nagpupunta mga kano dito pero ewan ko lang kung ganon parin by next year. Iba nga accent dito – mga “Ya-ne!” ang mga tao dito – chamorro accent tawag namin sa accent nila :)

6 12 2008
kirksydney

Eto pa lang nga sana ang itatanong ko kung taga Saipan ka, hehe.

-
rache: hahaha buti nalang nagawa ko na blog post ;)

6 12 2008
The Saipan Blogger

This is all in Tagalog! I can’t read or understand Tagalog!

-
rache: hey angelo, i didn’y know you’ll find a way to visit my blog that’s why I changed it to tagalog blog. Don’t worry the next posts will be in English.

7 12 2008
bonistation

nasa saipan ka pala ng lagay na yan? (ahihihi)

-
rache: hahaha bakit saan kala mo? :p bakit nga ba napupunta sa spam yung comment mong iba?..

Leave a comment